Kayaking sa Alaminos, Pangasinan

MANILA, Philippines - Tamang-tama ngayong summer, tutungo sa Hundred Islands sa Alaminos Pangasinan ang Philippine Kayaking series sa Abril 24-26.

Sinabi ni Val Camara isa sa nagtatag ng kayaking sa bansa na ang tatlong araw na event ay tatampukan ng 25 km kayaking at 5 km novice race sa palibot ng pamosong tourist spot ng Lingayen Gulf.

Wawakasan ng Hundred Island eco-tour program ang Pangasinan leg na ginaganap sa kooperasyon ng Department of Tourism.

Dumalo sa lingguhang PSA Forum, sinabi ni Camara na inaasahan nilang may lalahok na 500 partisipante sa event na magbibigay ng halagang P50,000 pa-premyo.

“The kayaking series is actually a competition and at the same time, a way to promote our tourist spots in the country. To develop area tourism and recreational part is actually what we do,” ani Camara sa sesyon na hatid ng Shakey’s, Accel, Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR) at Outlast Battery.

Dalawa pang leg ang isusunod pagkatapos ng Alaminos series.

Ayon pa kay Camara, na nakasaksi sa pagsibol ng kayaking sa bansa noong 1993, na ang ikatlong yugto ay gaganapin sa July sa Corregidor Island patungong Bataan at ang pangwakas na yugto ay mula sa Cebu hanggang Bohol.


Show comments