2009 BLSS Camp Aqua summer camp sa Marso 23

Ang panahon ng bakasyon ay magiging opisyal na sa paglulunsad ng Bert Lozada Swim School ( BLSS ) ng kanilang 2009 CAMP AQUA summer swimming program sa 46 venues sa Metro Manila simula sa Marso 23.

Ang BLSS ay ang tanging swimming institution sa bansa na nagbibigay ng personalized instructions sa mga infants, kids at sa mga adults.

Kabilang sa mga kompetisyong masasalihan ay ang Beach Hut First Plunge, Take Your Mark Novice meet, SPEEDO Jumpstart na isang all girls’ swim fiesta at ang 1st SPEEDO Corporate Cup.

Bukod sa Metro Manila venues, may programa rin ang BLSS sa Bulacan, Laguna, Cavite, Batangas at Bacolod, ayon kay South Area manager Anthony Lozada na may contact numbers 5635532 at 8000573.

Maaari ring bisitahin ang kanilang website sa www.bertlozadaswimschool.com.

Show comments