MANILA, Philippines - Idaraos ang 2009 Palarong Pambansang na lumikha ng tulad nina Lydia de Vega Mercado, Josephine dela Vina, Isidro del Prado at Von geese sisters, sa April 27-May 3 sa Tacloban City.
Ito ang inihayag kamakailan nina Leyte Provincial Administrator Vince Emnas at Department of Education Task Force on Schools Sports national coordinator Len Toledo kung saan cohost din para sa taunang pagtitipon ng mga athletes students sa elementary at secondary divisions ang Leyte provincial government na pinamumunuan ni Gov. Jericho Petilla at Lungsod ng Tacloban.
Ipinaayos ng Leyte Sports Development Center ang main hub ng kompetisyon na nagkakahalaga ng P75M. bagamat marami sa sports competition ay itatanghal sa kalapit na bayan.
Inaasahan ang pagdagsa ng may 10,000 bisita na 8,000 nito ay mga atleta at coach na kakatawan sa 17 rehiyon ng bansa para magtitipon sa pangunahing lungsod ng Eastern Visayas upang lumahok sa 14 na elementary division events at 17 naman sa secondary level.
Dalawang bagong events, ang elementary boxing at girls arnis ang idinagdag sa high school.
“All playing venues outside of the center and in Palo town, have already been upgraded to meet the standard set by DepEd,” pagsisiguro ni Emnas. “In other words, if the Palaro is going to be held today, we in the Province of Leyte and the City of Tacloban are ready.”
Ilang pribado at pampublikong paaralan ang gagamiting tirahan ng 17 delegasyon.
Maging ang media coverage ay magiging madali, dahil sa paglalagay ng wifi computers at laptops para sa national media na magtatrabaho.
“Ibang-iba na po ang Tacloban kesa noong first time kayong nandito noong Unang palaro na idinaos dito,” ani Emnas.