MANILA, Philippines - Mga baguhang mukha ang inaasahang dadagsa sa pagbubukas ng SBP33@SM Supermalls ng Samahang Basketbol ng Pilipinas bukas sa SM Davao City bilang senyales ng panimula ng paghahanap sa pinakamahusay na 3-on-3 squad na kakatawan sa bansa sa dalawang international tournment sa Singapore.
Ang SBP33@SM Supermalls ay magsisimulang tumanggap ng 4-men teams na may player na hindi bababa sa taas na 6’0 sa Elite Category para sa boys 15 and 16 years old, kung saan ang National winners ang may karapatang magsuot ng Pambnsang kulay sa World Youth Games sa July at World Youth Olympics sa susunod na taon.
Naghahanap din ang SBP ng pinakamahusay na 3-on-3 teams para sa Cadets Category para sa lalakeng may edad 12-14 anyos at babaeng 12-16 anyos.
“We are getting very positive response from players, teams and from some schools who have expressed interest in fielding in players for this new competition under the FIBA (International Basketball Federation) and IOC (International Olympic Committee) calendars,” wika ni SBP executive director Noli Eala.
Ang pagpapalista sa Davao ay nakatakda sa Marso 6-8 at Marso 13-15 bago ang SBP33 tournament sa Marso 20-22 sa SM Davao na hatid ng SM, Burger King, Molten at Smart.
At dadako naman sa SM Cagayan de Oro para sa second leg sa March 27-29 habang ang ibang iskedyul ay sa Cebu, Iloilo, Bacolod, Lucena, Sta. Rosa, Pampanga, Baguio at Fairview. Ang National Championships ay sa June 12-14 sa SM Mall of Asia.