Shakey's Pizza Volleyball Camp sa Blue Eagle gym

MANILA, Philippines - Upang mapanatiling abala ang mga kabataang ngayong tag-init at mabigyan ng tsansang maging player sa hinaharap, nagbuo ng volleyball camp ang Shakey’s Pizza para sa mga batang babaeng may edad 9-14 na magsisimula sa Marso 29 hangang Abril 5 sa Blue Eagle gym sa Ateneo, Quezon City.

Tinaguriang Shakey’s V-League Summer Camp 2009, ang mga partisipante ay makakakuha ng malalim na pagsananay mula sa mga pangunahing volley coach at players sa bansa sa kanilang walong araw na pagsasanay upang mahasa ang kanilang talento at kakayahan sa sports at mapalakas maging ang kanilang kahalagahan at personalidad.

Magsisimula ngayon ang pagpapalista (Marso 1, Linggo) at magtatapos sa Marso 25. Ito ay batay sa first-come-first serve basis sa piling Shakey’s branches sa Loyola, Tomas Morato, E. Rodriguez Ave., MCU, Gotesco-Commonwealth, P. Tuazon, Retiro, Greenhills, Megamall, Kapitolyo, Libis, Bluewave Marikina, Glorietta, Malate, SM Fairview, BF Homes, Mall of Asia, SM Southmall, ATC at Paseo de Sta. Rosa.

Para sa ilang detalye makipag-ugnayan kay Coochy Mamaclay, Shakey’s Pizza brand manager, sa tel. No. 0923-6585851.

Inaasinta ng organizing Sports Vision ang may 400 campers na may bayad na P2,500 na kinabibilangan ng summer camp volley t-shirt, volleyball, sports bag, sports jag, face towel at pagkain.

Ang mga magsasagawa ng training ay sina Roger Gorayeb, Parley Tupaz, Joy Degorostiza, Suzanne Roces, Ma. Teresa Iratay, Mary Jean Balse, Michelle Carolino, Mayette Carolino, Lou Ann Latigay, Margarita Pepito, Patricia Siatan, Boyet del Moro, Leonardo Toyco at Obet Javier.

At ang mga endorsers ay sina Jinni Mondejar, Gretchen Ho, Balse, Latigay at Roces.

Show comments