Ipapamalas ng mga batang shooters ng bansa ang kanilang husay sa Pebrero 28 hanggang Marso 1 sa kanilang pag-lahok sa 2nd Mayor Freddie Tiñga Cup-NYDP tournament sa PNSA/Philippine Marines range sa Taguig City.
Babanderahan ni Mark Lorenz Manosca, No. 1 air pistol shooter ang Taguig squad ni Mayor Tiñga.
Ang iba pang partisi-pante ay magsusuot ng kulay ng Tagaytay City, Malabon, Makati, Quezon City, Ateneo de Manila University at Philippine Marines.
Ito ang ikalawang youth competition ngayong taon sa 10 meter air rifle at air pistol events na tatampukan ng mga shooters na may edad 18 anyos pababa.
May mga nakalinyang events para taong ito ang PNSA at NYDP upang palakasin ang pagsasa-nay ng national youth shooters sa paghahanda nila sa First Asian Youth sa Hulyo at Southeast Asian Games sa Laos sa Disyembre.