MANILA, Philippines - Mula sa pagwawagi ng PBL titles hanggang sa pagtatatag ng foundation para sa mahihirap.
Ito ngayon ang landas na tinatahak ng Harbour Centre Batang Pier matapos ang pagretiro ng basketball team na nagwagi ng anim na sunod na titulo sa Philippine Basketball League.
Nais ni Harbour Centre owner Mike Romero na ipagpatuloy ng Batang Pier ang legacy na sisimulan ng P10M seed money para sa foundation na inaasahang tutulong sa may 200 hanggang 500 na bata.
Sinabi ni Romero na itatayo ang foundation sa may Cavite at magsisilbing direktor si Ruby Paurom.
“I announce the formal retirement of the Harbour Centre basketball team. And again, the Batang Pier jersey will never be worn again in the court,” ani Romero sa PSA Forum sa Shakey’s UN Avenue.
“But Batang Pier will not die in vain. Instead, it will be turned into a foundation, the Batang Pier Foundation. It’s like an orphanage and we’re looking at around 200 to 500 kids,” dagdag niya sa forum na hatid ng Shakey’s, Accel, Philippine Amusements and Gaming Corporation at Outlast Battery.
“This will be the legacy of the Harbour Centre basketball team.”
Inihayag din ni Romero sa naturang forum na kukunin ng Prime Estate Realty na pag-aari ng kanyang kapatid na si Nicky ang prangkisa ng Harbour Centre. Sina George Gallent at Glen Capacio ang gigiya sa koponan.
Si Romero na ngayon ang alternate governor ng Burger King, ang bagong team sa PBA kung saan igigiya ni coach Yeng Guiao at si Eric Arejola bilang team manager.