RP women's youth team tryouts

MANILA, Philippines - Magdaraos ng tryouts para sa Metro Manila-based aspirants ang Careline-Philippine Women’s Junior and Youth teams sa Feb. 21-22 sa Xavier School Sports Center sa San Juan.

Umaasa si RP Women’s Youth godfather Dioceldo Sy, chairman ng Ever Bilena Cosmetics, Inc., na makakabuo sila at makapagsasanay ng pinakamahuhusay na talento sa bansa para sa mga darting na torneo.

Ang dalawang araw na tryout ay pagsisikap ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa ilalim ng kanilang pangulo at telecommunications mogul Manny V. Pangilinan at Executive Director Noli Eala na maibalik ang glorya sa bansa sa women’s basketball.

“This is the first of a series of tryouts we are going to hold for the women’s youth and junior basketball. With the support of SBP, we hope can attract a large number of aspirants,” wika ni Sy, na naatasang ng SBP na sumuporta sa pinansiyal na pangangailangan ng RP 16-under team.

Ang mga players na ipinanganak noong 1993 at 1992 lamang ang papayagang lumahok sa tryout na nakatakda mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Si dating University of the Philippines player Pat Aquino ang igigya sa RP team.

Show comments