PSA President's Award Igagawad Kay Villar

MANILA, Philippines - Isang Senador na kinukunsi­de­rang top supporters ng Philippine sports ang tatanggap ng President’s Award sa su­sunod na linggong San Miguel Cor­poration-Philippine Sports­writers As­sociation (SMC-PSA) An­nual Awards Night sa Alegria Lounge ng Manila Pa­vilion Hotel.

Si dating Senate President Manny Vil­lar ang siyang tatanggap ng nasa­bing award sa seremonya na naka­takda sa Pebrero 20 dahil sa kanyang aktibong pag­ganap bilang major bac­ker ng mga Filipino athletes, lalo na sa larangan ng billiards.

Noong nakaraang taon, inilunsad ng Senador ang Manny Villar Cup, ang is­land-hopping pool series na la­yu­ning ma-ipromote ang nasa­bing sports na­tionwide. At ang ikala­wang season nito ay nakatakdang su­margo sa Pebrero 22--ang Pana­be­nga leg sa Baguio City.

Si Villar ay makakasama na sa lis­tahan ng mga nakaraang tumanggap ng President Awards na kinabibi­langan nina boxing sensation Manny Pacquiao, ang 2002 Ateneo men’s bas­­ketball team, mountain climbers Pas­tor Emata, Leo Ora­cion at Romy Gar­duce, bowlers Liza Del Rosario, Liza Clutario at Cecilia Yap at cage le­gend Alvin Patrimonio.

Mangunguna si Pacquiao sa 60 per­sonalidad ng sports at entities na pararangalan ng mga miyembro at officers ng PSA na binubuo ng mga edi­tors at sportswriters mula sa dai­ly broadsheets at tabloids.

Ang boxing idol mula sa Ge­neral Santos City ang nag-iisang napili para maging 2008 Athlete of the Year at pormal rin siyang iluluklok sa PSA Hall of Fame.

Samantala, ang mga ta­tanggap na­man ng major award ay sina Willy Wang (wushu), golfers Jen­nifer Ro­sales, Dorothy Delasin, Dottie Ardina at Angelo Que, Wesley So (chess), No­nito Do­naire (pro boxing), Kelly Wil­liams (pro basketball), Den­nis Orcollo (billiards), Jo­nathan Hernandez (hor­sera­cing), Ibarra at Go Army (horse­ra­cing).

Kabilang rin sa listahan ng awar­dees sina young athletes Norberto Tor­res at AR Ra­mos, gaga­waran ng Tony Sidda­yao award at ang Wushu Fe­­­de­­­ration of the Philippines, na para­ra­nga­lan bi­lang (Out­standing Na­tional Sports Association (NSA) tro­phy sa dala­wang oras na sere­mon­ya.     

Show comments