Sweep patungo sa titulo asam ng Philippine College of Criminology

Puntirya ng Philippine College of Criminology na walisin ang lahat ng kalat patungo sa titulo ngunit malaking balakid ang iaabang ng St. Francis of Assisi sa paghaharap ng dalawa sa Huwebes sa Game 1 ng kanilang best-of-three duel para sa kauna-unahang UCLAA title sa Rizal Memorial Coliseum.

Naungusan ng Enforcers ang Las Piñas Blue Lions, 59-58 noong nakaraang linggo upang puwestuhan ang unang finals berth at nanatiling malinis sa event na ito na suportado ng Mang Inasal, Air21, Besuto prawn crackers, Villa De Oro Boracay, Magarbo, Magnolia, Basketbolista at www.gameface.ph.

Ang Doves, multi-title sa ibang liga bago sumapi dito sa UCLAA ay nangailangan naman ng extra game bago pataubin ang De Ocampo Memorial College Cobras para sa huling upuan sa finals.

Show comments