Idinagdag ni Grand Master Wesley So ang Corus chess tournament crown sa kanyang koleksiyon matapos nitong pangunahan ang Category 11 tournament sa De Moriaan Community Centre sa Wijk Aan Zee, Netherlands nitong Linggo.
Nangangailangan lamang ng draw para makopo ang titulo, ito ang ginawa ni So nang makipaghati ito ng puntos kay second seed GM David Howell ng England para sa overall crown sa kanyang 13-round total na 9.5 points.
Tumapos si So na may isang puntos na kalamangan kay GM Tiger Persson ng Sweden na nanalo kay IM Manuel Bosboom ng Netherlands, at GM-elect Anish Giri ng Russia, na nakipag-draw kay WGM Dronavaili Harika ng India.
Nagsalo sina Howell at GM Abhijit Gupta ng India sa fourth place sa kanilang magkatulad na 7.5 points.
Tumapos naman bilang sixth place si GM Frank Holzke ng Germany na siyang tanging player na tumalo kay So sa eighth round, sa kanyang 6.5 points.
“I am very happy with this win,” wika ng 15-anyos na si So na nanalo rin sa Dubai Open noong nakaraang taon. “I dedi-cate this victory to those who continue to support me.”
Nanalo si So, ninth ranked junior player sa world sa kanyang 2627 rating, kina GM Friso Nijober ng Netherlands sa first round, No. 8 seed GM Eduardo Iturrizaga ng Vene-zuela sa fifth, No. 6 seed GM Manuel Leon Hoyos ng Mexico sa sixth, No. 14 IM Ali Bitalzadeh ng Netherlands sa ninth, No. 12 seed IM Roeland Pruijssers ng Netherlands, Bosboom at Persson.
Sergey Movsesian of Slovakia shared second place with 7.5 points.