Pacquiao at Stallone gagawa ng pelikula

Pupunta sa Hollywood si Manny Pacquiao hindi para magsanay sa Wild Card Gym kundi para gumawa ng pelikula kasama si Sylvester Stallone.

Ayon kay Erik Pineda, business manager ni Pacquiao, na nagkita ang boxing superstar at si Stallone, ang Hollywood action star noong Enero 6, sa opisina ng huli sa Los Angeles.

Pinag-usapan nila ang tungkol sa pelikulang planong gawin ni Stallone, na pumukaw ng pansin sa kanyang papel bilang Rocky Balboa sa ilang serye ng ‘Rocky’ movies sa nakalipas na tatlong dekada.

Ayon kay Pineda, kasama ni Pacquiao ang kanyang mga anak na lalaki na sina Michael at Jimwell nang magkita sila ni Stallone at niregaluhan ang dalawang bata ng pares ng boxing gloves.

Ang naturang gloves ay may pirma ng dating world light heavyweight champion na si Tony Tarver, na gumanap ng malaking papel sa huli sa anim na Rocky movies (na ipinalabas noong 2006).

“Everything is in the planning stage but what’s certain is that Sylvester Stallone wants Manny Pacquiao in the movie as one of the co-stars,” wika ni Pineda kahapon.

“It’s not a boxing movie but something like ‘Rush Hour’ (a Jacky Chan-Chris Tucker hit),” dagdag pa ni Pineda na sumalubong kay Pacquiao sa airport kahapon.

Dumating si Pacquiao mula sa Los Angeles kung saan nagpalipas ng Pasko kasama ang kan-yang pamilya at nagbantay din sa kanyang asawang si Jinkee na iniluwal ang ikaapat nilang anak noong December 30.

Si Jinkee at ang anak na babaeng, pinanga-lanang Queen Elizabeth ay nasa Amerika pa at mananatili hanggang Enero 16 upang masigurong ligtas ito sa 15-hour na biyahe patungong Manila.

Ngunit hindi magta-tagal ang Pinoy icon sa bansa. Nais niyang mapanood ang laban ni Antonio Margarito, na malamang na makalaban niya sa hinaharap, kay Shane Mosley sa Enero 24 sa Staples Center.

Show comments