Tangka ng Toyota Otis na makabangon mula sa tatlong sunod na kabiguan sa pakikipagharap sa Magnolia Purewater habang hangad naman ng Hapee Toothpaste na makakuha ng quarterfinal slot sa pagpapatuloy ng 2009 PBL PG Flex Linoleum Cup na magpapatuloy sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Mahalaga ang panalo para sa Sparks sa alas-4:00 ng hapong pakikipaglaban sa Complete Protectors upang manatiling buhay ang kanilang tsansa sa quarterfinals.
Mauuna rito ang pakikipagsagupa ng Hapee sa Burger King sa unang laro sa alas-2:00 ng hapon.
Taglay ng Toyota ang delikadong 3-6 kartada hindi na sila maaaring matalo sa kanilang mga nalalabing laro upang makasama sa quarterfinals.
Sa likod ng pagkatalo ng Magnolia kontra sa Hapee noong Martes, 76-73, nakakasiguro na sila ng awtomatikong quarterfinal slot dahil sa kanilang mas mataas na qoutient sakaling makakatabla nila ang Hapee at Bacchus Energy Drink.
Kaya naman sasamahan nila ang league leader na Harbour Centre, may matayog na 9-1 kartada, na maghihintay ng kalaban sa semifinals.
Tabla ang Bacchus at Hapee sa 5-5 kartada.
Sigurado na ang six-peat seeking Harbour Centre sa No. 1 spot sa Final Four matapos ang 93-82 panalo laban sa Burger King kamakalawa.
Matapos matalo ng tatlong laro sa unang round, tatlong sunod na panalo, na ang tinamasa ng Sparks, ang huli ay ang 78-63 laban sa Bacchus noong December 20.
Kinokonsidera ni Toyota Otis coach Ariel Vanguardia na do-or-die game na ito ng Magnolia. (Mae Balbuena)