PBL may sariling bola na

Ang Philippine Basketball League (PBL) ang naging tanging major cage tournament sa bansa na may sariling personalized basketball mula sa Spalding.

Ipinakilala ang Spalding official PBL game ball kamakailan lamang sa market, may dalawang crossshaped panels para sa mas malaking material coverage at may patented moisture management system na nagpapakalat ng moisture ng pantay sa balat ng bola.

Sa pagkakaroon ng sariling bola, kahanay na ng PBL ang mga elite basketball leagues sa Asia na may sariling personalized Spalding basketballs gaya ng mga professional leagues sa China, Japan at Taiwan.

Ang maraming koleksiyon ng Spalding-NBA basketballs at iba pang bola ay mabibili sa Proline Sports Center stores.

“The Spalding Official PBL Game Ball is truly one of the best basketballs in the whole world,” pahayag ni league commissioner Chino Trinidad.

Ang dalawang features ng PBL game ball ay nagpapaganda ng grip at ball control habang ang exclusive microfiber technology ay nagbibigay ng magandang pakiramdam sa paghawak ng bola.

Ang mga Spalding-NBA basketballs ay may iba’t ibang sizes, designs at exclusive technological features na kinabibilangan ng Never Flat technology, ang Infusion technology at heat sensitive materials.

Show comments