Nakipagkasundo si sixth seed Claudio Olar Jr. na makipaghatian ng puntos kay Niño Datu sa ikalima at final round at maghari via tiebrek sa MCC Kiddies (16-under) standard chess tourney kamakailan sa lower 2F ng St. Francis Square sa Mandaluyong City.
Ang 13 anyos na si Olar ng Quirino High School, na humakot ng kabuuang 4.0 puntos na may tatlong panalo at dalawang draws, ay nagtabla sa una at ikalawang puwesto kasama ang 6 taong gulang na si Stephen Padilla ng San Jose del Monte, Bulacan. Ngunit dahil sa mas magandang tiebreak score, inangkin ni Olar ang kanyang ikalawang MCC kiddie title at nag-uwi ng P3,000.
Nalaglag naman ang chess wiz na si Pangilinan na nagbulsa ng P1,500 cash prize.
Dahil sa kabiguan nalaglag si Datu sa 3rd-4th spots na may 3.5 puntos kasama ang pinsan na si Niño. Ang top ten winners ay sina: Carmella Galve (5th); Bianca Marie Datu (6th); Gino Cabual (7th); Paul Manila (8th); Prince Alejado (9th); at Joel Ian Ea (10th). Napiling best performers sina Pangilinan at Bianca Marie sa 8-under at 12-under age-group, ayon sa pagkakasunod.
Sa Open category, nakopo naman ni National Master Noel dela Cruz ang titulo at premyong P3,000. Nasa solong ikalawang puwesto naman si Alcon John Datu.
Magbabalik ang MCC events sa susunod na taon sa Enero 3 at 4 sa pagsulong ng Executive one-day event at Open standard tourney. Para sa ilang detalye, tumawag sa 826-8560, 994-5199 o 0916-8521069.