Dapat na mas malaki ang tanggapin ni Pinoy icon Manny Pacquiao kung matutuloy ang laban niya kay Ricky Hatton tulad ng plano sa May 2 sa Las Vegas.
Si Pacquiao, ang pound for pound king, ay ang pinakamalakas na atraksiyon sa sports at walang dudang nabura niya ito sa kanyang laban kay Oscar Dela Hoya noong Disyembre 6.
At sa laban na iyon, pumayag si Pacquiao ng 32 porsiyentong hati sa kabuuang purse na ang 68 porsiyento ay kay Dola Hoya, ang dating hari ng pay-perview.
Ngunit nakuha na ni Pacquiao, maka-raan ang hindi kapina-paniwalang 8-round stop page kay Dela Hoya, ang papel bilang ‘most exciting, most bankable star’ ngayon sa larangan ng boxing.
At opisyal itong sinabi ng boxing commentator matapos ang postfight delivery sa MGM.
“The king is dead at least the king of box office in boxing,” patungkol niya kay Dela Hoya, na tu-manggap ng pinaka-teribleng bugbog sa kanyang career mula kay Pac-quiao.
“And the new king is here,” patungkol naman ni Merchant sa Pinoy icon.
Sinabi ni Wakee Salud, ang Cebu based matchmaker at isa sa mga ring adviser ni Pacquiao na kapag si Hatton ang makakalaban, kailangang 65 porsiyento ang ma-punta kay Pacquiao.
“Manny getting 65 percent and Hatton getting 35 percent is the ideal split. Hindi puwede parehas (It can’t be an even split),” wika ni Salud.
“Si Manny na ang malaki dapat (Manny should get the biggest slice),” dagdag ni Salud, na sinigurong isa na namang multi-million dollar outing ito kay Pacquiao sa Mayo.
Ang laban kontra kay Hatton, ang Birtish slugger na hari sa 140 pound division, ay malapit nang maisara, ayon kay Top Rank executive Bob Arum.
“It’s 80 percent done,” sabi ni Arum kay Salud bago ito lumipad pabalik ng US matapos dumalo sa kaarawan ni Pacquiao sa GenSan.
Nasa Manila ngayon si Pacquiao na nagsu-shoot para sa Smart, bilang pag-tupad sa kanyang mga commitments at nagha-handa na rin sa kanyang pag-alis bukas patungong Amerika kasama ang mga anak.