3rd win sinagasaan ng Toyota Otis

Sumandal ang Toyota Otis kina JV Casio at Jonathan Aldave sa extra period nang igupo ng Toyota Otis ang Burger King, 87-77 para sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa 2009 PBL PG Flex Linoleum Cup sa Emilio Aguinaldo College gym sa Manila.

Namayagpag ang dating La Salle ace sa huling dalawang minuto ng labanan sa kanyang limang krusyal na plays upang ihatid ang Sparks sa ikatlong panalo sa anim na laro.

Anim na puntos lamang ang tinapos ni Casio sa regulation ngunit humataw ito ng 10-puntos sa overtime kabilang ang dalawang tres habang nagdagdag naman ng limang puntos si Aldave upang igupo ang Stunners sa ‘shootout.’

Sa ikalawang laro, naungusan ng Magnolia Purewater ang Bacchus, 75-72.

Show comments