DRESDEN, Germany -- Naibaon sa limot ng Philippines ang nakakadismayang kabiguan kontra sa Asian rival China sa first round ng 2008 World Chess Olympiad sa pamamagitan ng kanilang solid team effort kontra sa Algeria para sa 2.5-1.5 panalo sa tulong ni GM Darwin Laylo na naghatid ng mahalagang tagum-pay sa International Cong-ress Center dito.
Dinurog ni Laylo, nasa kanyang third straight appearance sa World Chess Olympiad, si IM Mohamed Haddouche sa board four.
Nakalamang ang 28-gulang na campaigner mula sa Lipa City, sa ope-ning battle at namintina niya ang pressure sa rook at bishop endgame tungo sa kanyang panalo sa 61 moves ng larong Scan-dinavian.
Nagkasya naman sina GMs Buenaventura ‘Bong’ Villamayor at Wesley So at IM John Paul Gomez sa draw kontra sa kani-kanilang kalaban para sa dalawang puntos ng mga Pinoy sa match point-style scoring system na ginagamit sa Olympiad sa unang pagkakataon sapul noong 38 years.
Naka-draw si Villamayor, lumaro sa top board sa likod ng pinakamababang rating sa limang Filipino players dito, kay GM Aimen Rizouk.
Nakihati ng puntos si So, ang tanging player na nanalo sa laban kontra sa China sa pamamagitan ng kanyang upset kay super GM Ni Hua, kay IM Kamil Sebih sa 30 moves ng Queen’s Indian sa board two.
Matapos maka-draw kay GM Li Chao ng China, nakihati uli ng puntos si Gomez kay Tarek Goutali sa 36 moves ng Philidor sa board three.