Ang bagong mukha ng Harbour Centee ay opisyal na didribol sa kanilang kampanyang ikaanim na sunod na titulo sa Philippine Basketball League (PBL) title sa pormal na pagsisimula ng season-opening PG Flex Linoleum Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Unang masusubukan si top rookie Chris Ross at Pharex Generix ng Batang Pier sa pagkatapos ng tip-off ng double header na kasabay ng hinihintay na pagbabalik ng Women’s PBL (WPBL).
Ang laban ng Batang Pier at Generix ay nakatakda sa ganap na alas-2 ng hapon, na susundan ng paunang WPBL game na tatampukan ng La Salle-Ateneo rivalry sa bakbakan ng Sunkist kontra sa Nutri-C.
Pangungunahan nina PBL commissioner Chino Trinidad, chairman Mikee Romero ng Harbour Centre, deputy commissioner Tommy Ong at iba pang opisyales ng liga ang maikli ngunit makulay na opening ceremony sa ala-una ng hapon bilang pag-tanggap sa bagong season.
Ang isang oras na seremonyas ay tatampukan ng pagpaparangal kay Romel Adducul, na naglalaro sa Purefoods sa pro-league, at nakikipaglaban sa kanyang karamdaman na cancer.
Bibigyan din ng papuri sina Major Naz Cablayan dahil sa kanyang dedikasyon sa trabaho sa firefighting department.
Ang iba pang manlalaro na pararangalan ay sina three-time Most Valuable Player (MVP) Jason Castro ng Harbour Centre at Hapee’s Gabe Norwood, dahil sa matagumpay nilang paglalaro sa 2008 PBL season at ngayon ay nasa pro league na. Kasama din na papapurihan sina Mark Borboran at Larry Rodriguez ng Hapee, Sol Mercado, TY Tang, Chad Alonzo, Beau Belga, Jonathan Fernandez, Jeff Chan at Rob Reyes ng Harbour Centre, Bonbon Custodio at John Paul Escobal ng Magnolia, Nat Cruz ng Bacchus, Lawrence Bonus ng Burger King, Cholo Villanueva ng Toyota Otis at Kelvin dela Peña ng Noosa Shoes.