Seguridad sa Wild Card Gym, hinigpitan

Sa paghigpit ng segu­ridad sa Wild Card Boxing Gym ni American trainer Freddie Roach sa Holly­wood, California, naging ta­hi­mik at maayos ang paghahanda ni Filipino bo­xing superstar Manny Pac­quiao.

Nasa maigting na pag­sasanay ngayon ang 29-anyos na si Pacquiao para sa kanilang non-title wel­ter­weight fight ng 35-an­yos na si Oscar Dela Hoya sa Disyembre 6 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada. 

“Maayos na maayos po ang aking kundisyon at maganda at tahimik ang aming training camp para sa paghahanda namin kay Oscar Dela Hoya sa Dis­yembre 6 sa Las Ve­gas, Nevada,” wika ni Pac­quiao.

Matatandaang ibina­wal ng 48-anyos na si Roach ang pagpasok ng mga fans at kaibigan ni Pac­quiao sa kanyang Wild Card Gym.

Ito, ayon kay Roach, ay upang hindi na rin ma­ulit ang nangyari sa mga nakaraang preparasyon ni Pacquiao, ang bagong World Boxing Council (WBC) lightweight cham­pion, laban kina Mexican boxing legends Erik Mo­rales, Marco Antonio Bar­rera at Juan Manuel Mar­quez. 

“Bukod sa masaya ka­mi ni Coach Freddie Roach sa aming punch mitts sessions dahil mala­ya at bukas ang aming pag­papalitan ng kaala­man tungkol sa estilo ni De­la Hoya, mainam din ang aking mga ka-spar da­hil lahat sila ay pawang magagaling, malalakas at mabibilis,” ani Pacquiao.

Maliban kay Roach, katuwang rin ni “Pacman” sa pagsasanay sina Eric Brown at kababatang si Buboy Fernandez. (RCadayona)

Show comments