Lady Pirates kampeon sa WNCAA volleyball

Winalis ng Lyceum ang St. Francis of Assisi College upang makopo ang ikasiyam na sunod na titulo sa volleyball ngunit napu-wersa naman ng College of St. Benilde sa winner-take-all match sa basketball sa 39th WNCAA tour-nament sa St. Scholastica’s College gym.

Napagwagian ng Lady Pirates ang Game 2 sa pamamagitan ng 25-20, 25-21, 25-16, upang muling magreyna sa Senior A volleyball. Napagwagian din nila ang Game 1 via 25-18, 25-20, 25-16.

Tinanghal na Most Valuable Player si Bernadette Satsatin ng Lyceum habang ang Mythical Six ay binubuo nina Syvie Gay Artates ng Lyceum, Mary Grace Babalo, Joanna Marie dela Peña at Sarah Gonzaga ng SFAC, Iceal Cuevas at Acelyn Dublao.

Pinigil naman ng Lady Blazers ang dobleng pagdiriwang ng Pirates nang igupo nila ang Lyceum sa Senior A basketball, 61-58.

Sa iba pang basketball finals, naungusan ng PWU ang Centro Escolar University, 47-45, at humakbang papalapit sa pag-sungkit ng Senior B champion-ship.  Bumandera si Beverly  Ann Rodriguez para sa PWU sa kanyang 20 points.

Kinuha naman ng San Beda College-Alabang ang Game 1 ng Senior B volleyball series kontra sa Miriam College, 17-25, 25-20, 25-17, 25-21.

Pinigil din ng St. Scholastica ang double victory ng SBCA nang magwagi sila sa series opener ng midgets finals, 21-25, 25-20, 25-22.

Show comments