Manalo, kumana agad

Maganda ang panimulang kampanya ni dating Asian snooker champion Marlon Manalo sa WPA World Ten Ball Champion-ship.

Gayundin ang mga kababayang sina Victor Arpilleda, Elmer Kalaquian at Demos-thenes Pulpul. 

Tinalo ng reigning national open champion na si Manalo si Tee Chee Soon ng Brunei,  9-6, upang simulan ang pananalasa ng mga Pinoy sa torneo kahapon sa Philippine International Convention Center.

Tinalo naman ni Arpilleda si Wang KuoPin, 9-6, habang ginapi ni Kalaquian si Matjaz Elcujz, 9-3 ng Slovenia at pinayuko ni Pulpul si Muhd Al Bin All ng Qatar, 9-2.

Gayunpaman, hindi naman sinuwerte ang ibang Pinoy na nalaglag sa losers bracket makaraang yumuko sa kani-kanilang kalaban.

Natalo si Jericho Banares kay Steve Moore ng US, 4-9, yumuko si Florencio Banar kay Bruno Maratore, 5-9 at minalas si Elvis Calasang kay Naoyuki Oi, 9-8.

Nagparamdam naman si reigning world 9-Ball champion Daryl Peach ng Great Britain at 2004 world 9-Ball titlist Thorsten Hohmann nang gapiin nila ang kani-kanilang karibal. Tinalo ni Peach si Sit Chung Ching ng Hong Kong, 9-4, habang pinayuko ni Hohmann si Albin Ouschan ng Austria 9-5.

Nagbigaypugay din ang Doha Asian Games women’s 9-ball champion na si Liu Shin Me, makaraang igupo si Christian Tuvi ng Uruguay, 9-4.

Show comments