Naniniwala ang Ser-bian coach na si Rajko To-roman, tumanggap ng tra-bahong mangasiwa ng long-term national team program ng bansa, na pi-tong teams ang may tsansang manalo sa 2011 FIBA-Asia Champion-ships at kabilang dito ang Pilipinas.
Matapos tanggapin ang Samahang Basketbol ng Pilipinas program, hindi ginarantiya ni Toroman ang championship ngunit siniguro niyang lalaban ang Pilipinas para sa titulo at slot sa 2012 Olympics sa London.
Nakatakdang magpir-mahan ng kontrata ang SBP at si Toroman bukas para sa three-year deal na may option na one-year extension kung papasok ang Philippines sa London Games.
Nakikita ni Toroman ang wide-open race sa pagitan ng Philippines, China, Korea, Japan, Iran, Jordan at Kazakhstan sa 2011 FIBA-Asian.
Initsapuwera ng Ser-bian mentor ang Lebanon at Qatar sa 2011 crown, dahil naniniwala siyang ang core ng kanilang ka-salukuyang team ngayon ay matatanda na pagda-ting ng torneo.
Ang mga Lebanese, na hawak din ng Serbian coach at may naturalized center na si Joseph Vogel, ay nakapasok sa 2004 World Championship sa Indiana. Ang Qataris, na hawak ng American coach at may sariling na-turalized players din ay consistent contender din sa mga nagdaang taon.
Ayon kay Toroman, ang Korea at Japan ay may mga batang players na magiging mabigat na kalaban sa 2011.
Gayunpaman, nanini-wala ang 53-gulang na mentor na makakasabay ang Philippines sa laban gamit ang natural talent ng mga Filipino players. (Nelson Beltran)