Guangzhou, China--Nanatili ang posibilidad ng paghaharap nina 2004 World Pool champion Alex Pagula-yan at WPA World No. 1 Dennis Orcollo sa finals mata-pos makasulong ang dalawa sa semifinals sa pamamagitan ng kanilang magkahiwalay na quarterfinal wins sa penul-timate leg ng Guinness 9 Ball Tour 2008 kahapon dito sa Garden Hotel sa Guang-zhou, China.
Pinabagsak ni Pagulayan si Satoshi Kawabata ng Japan, 9-3, habang dinurog naman ni Orcollo si Toh Lian Han ng Singapore, 9-1.
Nagharap ang dalawa sa finals ng Singapore leg, kung saan nakopo ni Pagulayan ang korona laban kay Orcollo. Nakakasiguro na ang dalawa ng $3,500 (P164,500) mata-pos makarating sa semis at may tsansa silang manalo ng top prize na $15,000 (P705,000) sa event na inor-ganisa ng ESPN STAR Sports.
Mula sa 3-4 pagkakahuli, kinuha ni Pagulayan ang limang sunod na racks sa sunud-sunod na error ni Kawa-bata para sa 8-4 kalamangan.
“I kind of feel sorry for him (Kawabata) since he’s my friend and he made a lot of mistakes, but when you’re playing against each other you forget about friendships and I just went for the kill,” ani Pagulayan.
Sa laban ni Orcollo, bagamat may konting drama, makaraang kunin ng Pinoy ang ang unang walong racks at may ginintuang tsansang ma-whitewash ang ikasiyam na rack, hindi nito nakuha ang tira sa 4-ball ng 9th rack na nagbigay ng pagkakataon sa Singaporean na makuha ang naturang rack para hindi mablangko.
At dala ang break sa 10th rack, nagkaroon ng pagkaka-taon si Toh na makakuha pa ng isang rack ngunit isang foul ang nagawa ng Chinese sa one-ball at dito tuluyang isinara ni Orcollo ang laban sa pamamagitan ng 5-9 combi-nation.
Susunod na makakalaban ni Pagulayan si Wang Hung Hsiang ng Chinese Taipei sa semifinals ngayong alas-12:00 ng tanghali na mapapanood ng live sa STAR Sports.