Hindi pa namamatay ang isyu ng pag-alis ni Franz Pumaren sa Iran nang hindi pa tapos ang kampanya ng Pilipinas sa FIBA-Asia youth tournament. Hanggang ngayon, marami pa rin ang bumabanat, kasi hindi daw niya dapat iniwanan ang koponan para lamang sa UAAP, at kung pasok sa semifinals ang koponan, iiwanan pa kaya niya.
Nagkakampi-kampihan na ang mga galit kay Pumaren at mga sang-ayon sa ginawa niya. Ang iba, naghanap ng ebidensya nakalatag na ang plano niyang bumalik bago pa man pumunta sa Tehran. Ang iba, nagalit naman sa mga nagsabi ng kung anu-ano tungkol kay Pumaren.
Hindi man popular ang ginawa ni Pumaren, ang malaking pagkakamali ng marami sa ating mga kapatid sa media ay hindi kinuha ang panig niya, o kaya’y patama ang mga tanong sa kanya. Nang hindi na niya mapigilan, lumuha na siya sa harap ng mga media noong Huwebes.
Ayon kay Pumaren, hirap na hirap na si Jack Santiago sa paghawak sa De La Salle Green Archers dahil lumalala ang situwasyon ng ama nito.
“When I called my wife from Iran, Jack asked to talk to me, and asked if I could come back already,” paliwanag ni Pumaren sa PSN. “I understood his situation. So I asked permission from (assistant team manager) Joel Lopa.”
“Franz approached me and told me he had difficult deci-sions to make. We allowed him to go,” dagdag ni Lopa, presidente ng TAO Holdings. “Because we felt that, under the circumstances, he was making a sacrifice to help a friend. And we felt that the boys would be able to adjust to Coach Derick. And Coach Dan Rose was very instrumental to helping the boys adjust to the conditions there.”
Sabi ni Pumaren, ang ikinasasama ng loob niya ay walang kumausap sa kanya, at sa halip ay humarap sa mga kaibigan sa media upang banatan siya.
Malaki na rin ang isinakripisyo ng De La Salle community. Di lang si Pumaren ang tumayong coach ng Philippine youth team, kundi pati ang assistant coaches na si Tonichi Yturri, Dan Rose at Derick Pumaren.
Ang naiwan lang sa DLSU ay si Santiago at Tyrone Bautista.
“Let’s talk about sacrifice,” sabi ng nalulungkot na Puma-ren. “I’ve helped the national team for years. The week before we left, we were practicing from 10 p.m. to 1 a.m. just to pre-pare the team. And we accomplished more than the men’s team, and we spent less. Nobody gives us credit for it.”
Tinanong ko si Pumaren kung iiwanan pa rin niya ang koponan kung sakaling pasok pa sa semifinals ito.
“You know, it’s really a hard decision,” lamang ang nasabi niya, sabay buntong-hininga.
Sana matigil na ang mga walang magawa kundi pumuna nang hindi nagtatanong.