Nilisan na ni Red Bull skipper Topex Robinson ang prangkisa ng Photokina upang makasama sa Purefoods habang nahaharap naman si Reed Juntilla sa pagkakatanggal ng kanyang kontrata dahil sa kanyang pagiging AWOL (absence without leave).
Tulad ng kanyang kahilingan, pinakawalan na si Robinson kahapon upang makapag-usap na sa team na kanyang gusto.
May usapan na ang Purefoods management at si Robinson bago nagpahayag ang Giants ng kanilang pagnanais na makasama ang dating San Sebastian Stag sa guard rotation.
“It’s a choice between Topex and (rookie free agent) Al Vergara. Wise money will be placed on Topex who’s got a lot of positive attributes. He’s a pesky guard who can defend the likes of Mike Cortez and Jimmy Alapag,” ani Purefoods coach Ryan Gregorio.
Gayunpaman, medyo nahuli si Robisnon at hindi ito nakasama sa biyahe ng Purefoods sa Qatar. Umalis ang Purefoods kaninang umaga.
Unang binigyan ng release paper ng Red Bull ang second stringer center na si Paolo Bugia, na naghahanap na rin ng koponang mabibigyan siya ng maha-bang playing time.
At kung walang team na makikita, nag-iisip na ng ibang career si Bugia sa Amerika. si Bugia ay may master’s degree sa Ateneo.
Samantala, malamang na mawalan ng dalawang taong kontrata si Juntilla sa Red Bull dahil sa biglaang pagkawala nito.
“He had that reputation in the amateurs but we still gave him a chance thinking he may not do that in the pros. But he’s back in his old ways,” wika ni Red Bull team manager Andy Jao.
“We’ve informed the Commissioner’s Office and his manager of his case. Coach Yeng (Guiao) wants him out of the team,” dagdag ni Jao.
(Nelson Beltran)