TEHRAN — Mali ang simula ng RP Youth sa kanilang kampanya sa quartefinals sa 20th FIBA Asia Youth Basketball Championship makaraang lasapin ang 98-80 kabiguan sa kamay ng mainit na Korean squad noong Linggo ng gabi sa Azadi Stadium dito.
Nakasabay lamang ang Filipinos sa unang bahagi ng laro at nagawa pang makaabante sa 23-21may 23 segundo na lang ang nalalabi sa first period mula sa follow-up basket ni Jaypee Mendoza.
Ngunit isang mahaba at malayong three pointer ni J. Lim sa pagtatapos ng quarter ang naglagay sa Koreans sa trangko, 24-23.
At dito nagsimulang magkawatak-watak ang Nokia-RP Youth.
Nagpasabog pa ng sunod-sunod na three pointers ang Pinoy sa lahat ng anggulo at nang dumating ang halftime kontroloado na ng Koreans ang laro, 50-39.
“Our team’s flat start gave Korea the momentum that it rode all the way to the end,” ani coach Franz Pumaren. “Korea played its best game tonight. And we played our worst.”
Dahil sa kabiguang ito, nahaharap ngayon ang Pinoy sa must-win situation sa huling dalawang asignatura kontra sa Japan at Iran para makapasok sa semifinals ng torneong huling napagwagian ng Pilipinas noong 1982.
Tinalo ng Iranians ang Japanese, 111-91 sa Group 2.
Sa resulta sa Group 1, nanaig ang Syria sa pamamagitan ng forfeiture kontra sa defending champion China, nang magwalkout ang Chinese may 6:13 pa ang nalalabing oras bunga ng protesta sa tawag ng reperi.
Nanaig naman ang Kazahstan sa Lebanon sa double overtime, 106-103.