Ateneo lumapit sa Final Four

Nagdeliber sina Chris Tiu at  Rabeh Al-Hussaini  para sa Ateneo tungo sa kanilang 85-76 panalo laban sa University of Santo Tomas na naglapit sa  kanila sa unang Final Four’ slot sa UAAP seniors basketball tournament na nagpatuloy kahapon sa PhilSports Arena.

Naging mainit si Tiu na nagtala ng career-high 29 puntos mula sa kanyang 6-of-12 shooting habang nagposte naman si Al-Hussaini ng 24 markers sa pagsulong ng Ateneo sa 8-1 panalo-talo na nagpatatag sa kanila sa liderato.

Huling nagbanta ang UST Tigers sa 60-65 mula sa jumper ni  Jervy Cruz  ngunit isang 10-2 run ang pinakawalan ng Ateneo para sa 75-62 kalamangan, 2:31 minuto na lamang.

Bumagsak ang Uste sa 4-5 para sa ikalimang puwesto na sumayang sa 23-puntos at 18-rebounds ni Cruz gayundin sa 17-markers ni Dylan Ababou.

Sa unang laro, nakabangon naman ang, Far Eastern University sa two game losing skid nang humakot si forward Marlon Adolfo ng 18 points at 10 rebounds para sa 70-62 panalo sa Adamson. (Mae Balbuena)

Show comments