Ang sumablay sa shooting

BEIJING  -- Sobrang pressured ang Filipino trap shooter na si  Eric Ang at nagtapos siya bilang kulelat sa kanyang first Olympic appearance sa pagtatapos ng elimination round kahapon sa Beijing Olympic Shooting Range CFT dito.

Hindi nakatulog si Ang at pinilit na lamang niyang tapusin ang kanyang dalawang rounds sa ilalim ng ulan dahil kahit maka-perfect score ito, hindi siya aabot sa six-man finals ng men’s trap shooting competition.

“Hilong hilo pa rin ako pagkatapos ng event (I was still too dizzy after the event),” ani Ang na umiskor ng 21-20 sa huling dalawang rounds para sa 106 birds. (GCarpio)

Show comments