Ang University of the East na binigyan ng top-seed rating sa simula ng season ay nakita ni coach Dindo Pumaren kagabi nang kanilang pasadsarin ang bigating defending champion De La Salle University, 68-62.
Ipinalasap ng UE Red Warriors sa DLSU Green Archers ang kanilang ikalawang pagkatalo matapos ang five-game winning streak sa kani-lang mainit na sagupaan sa UAAP men’s basketball tournament sa Ara-neta Coliseum kagabi.
Nagbida sina James Martinez at Paul Zamar na may pinagsamang 31-puntos ngunit ang naging susi ng kanilang ikaapat na panalo sa pitong laro ay ang pananalasa ng kanilang power forward na si Hans Thiele sa end-game.
“Definitely, this is our best game of the season, everybody played well. Yung nakita kong laro ng mga bata nitong pre-season eh ipinakita nila this game,” pahayag ni UE coach Dindo Pumaren.
Kahit papaano ay nakabawi ang East sa kanilang masaklap na pagkatalo noong nakaraang taon kung saan nasira ang kanilang 14-game-sweep sa eliminations matapos matalo sa Archers sa finals.
Nalasap ng La Salle ang ikalawang talo sa pitong laro kaya naiwan na magkasalo sa liderato ang Ateneo de Manila University at ang Far Eastern University na parehong may 5-1 kartada.
Umiskor lamang ang Red Warriors ng anim na puntos sa final canto ngunit ang dalawang jumpers ni Thiele ang pumigil sa paghahabol ng La Salle matapos umabante ng 16-puntos sa 62-46 sa pagtatapos ng ikatlong quarter.
Ang panalo ay isang pampalubag loob para sa Red Warriors na naghihintay pa ng desisyon ng UAAP Board decision na magpupulong ngayong hapon para sa kanilang inapelang protesta sa 69-71 pagkatalo sa Tamaraws noong July 16.
Nagkaroon ng aksidente sa laro nang naunang tumama sa sahig ang ulo ni Simon Atkins ng La Salle matapos bumangga kay Rudy Lingganay na dahilan para isugod ito sa St. Luke Hospital.
Sa unang laro, humakot si Jay Agbayani ng 20 points sa 76-68 panalo kontra sa Adamson Universty upang tapusin ng host University of the Philippines ang kanilang first round campaign sa 2-5 kartada katabla ang Falcons.
UP 76 -- Agbayani 20, Co 15, Reyes 15, Lopez 11, Astorga 8, Sorongon 4, Marfori 2, Braganza 1, Sison 0, De Asis 0, Hipolito 0.
AdU 68 - Lozada 16, Cañada 16, Colina 15, Galinato 10, Nuyles 3, Gonzalgo 3, Santos 2, Yambot 2, Agustin 1, Olalia 0, Margallo 0, Gorospe 0.
Quarterscores: 20-20; 43-33; 55-55; 76-68.
UE 68 - Martinez 19, Zamar 12, Thiele 11, Lee 7, Llagas 6, Espiritu 4, Reyes 4, Lingganay 3, Arellano 2, Noble 0, Etrone 0.
DLSU 62 - Mangahas 14, Revilla 10, Casio 9, Villanueva 8, Barua 6, Bagatsing 4, Batricevic 3, Maierhofer 3, Malabes 2, Walsham 2, Webb 1, Atkins 0.
Quarterscores: 19-15; 39-31; 62-46; 68-62.