3rd win puntirya ng knights sa ncaa

Sa ikatlong sunod na panalo nakatuon ang Co­legio de San Juan de Let­ran para muling masolo ang pamumuno, ikaapat na sunod na tagumpay na­man ang pakay ng Ma­pua Institute of Techno­logy na posibleng magka­loob sa kanila ng liderato.

Wala pang talo ang Intramuros-based drib­blers sa kanilang 2 laro.

Hangad ng Letran Knights ang panalo laban sa kulelat na Philippine Chris­tian University na gigil nang makatikim ng ta­gumpay sa tampok na laro sa alas-4:00 ng ha­pon sa pagpapatuloy ng 84th NCAA men’s basket­ball tournament sa Cune­ta Astrodome.

Sa unang laro, maka­ka­sagupa naman ng MIT Cardinals ang mapanga­nib na College of St. Be­nilde sa alas-2:00 ng ha­pon pagkatapos ng eng­kwentro ng kanilang ju­nior counterparts sa ope­ning game sa alas-11:30 ng umaga. (RCadayona)

Show comments