Open workout ni Pacquiao ngayon

Isang open workout ang nakatakdang gawin ngayong umaga nina Filipino boxing superstar Manny Pacquiao at American trainer Freddie Roach sa Lake Street Park, ang tinaguriang “Little Philippines”, sa Los Angeles, California.

 Ang naturang mga public workout na ginagawa ng 29-anyos na si Pacquiao ay bahagi ng promotional tour ng Top Rank Promotions para sa nalalapit na world lightweight championship fight nila ni Mexican-American David Diaz.

  “Diaz says he’s coming after Manny with power shots,” sabi ni Roach sa 31-anyos na si Diaz, magdedepensa ng kanyang suot na World Boxing Council (WBC) lightweight crown laban kay Pacquiao sa Hunyo 28 sa Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada. “Manny will fire right power shots right back at him.”

 Nauna nang nagdeklara si Roach na kayang pabagsakin ni Pacquiao, ang bagong WBC super featherweight champion matapos tumipa ng isang split decision kay Mexican Juan Manuel Marquez noong Marso 16, si Diaz sa loob ng nine rounds. 

 “He is not the one fighting in the ring,” galit na wika ni Diaz, umiskor ng isang unanimous decision sa kanilang non-title, 10 round bout ni Mexican Ramon Montano sa undercard ng Pacquiao-Marquez rematch, kay Roach. 

“It’s all one and the same. We’re all going to have fun. First thing is we come out okay, both of us, Manny and myself. And it is always a positive message, win or lose,” dagdag nito.

 Samantala, tuluyan nang pinakawalan ni promoter Gary Shaw si International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO) flyweight ruler Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. 

Sa pag-alis kay Shaw, maaari nang makipag-usap ang kampo ni Donaire sa grupo nina world super flyweight titlist Fernando Montiel at Cristian Mijares at maging ang kanyang inagawan ng IBF at IBO flyweight belts na si Vic Darchinyan ng Armenia. (Russell Cadayona)  

Show comments