UST vs Adamson sa Nike finals

Muling magbabalik ang defending champion na University of Santo Tomas sa finals ng women’s division ng Nike Summer League basketball tournament nang kanilang pabagsakin ang La Salle Lady Archers 54-46 kahapon sa Far Eastern U Gym sa Morayta.

Umiskor si Marichu Bacaro ng 19 points at dalawa pang Tigresses ang tumapos ng double-doubles upang ihatid ang UST sa championship kung saan makakasagupa nila ang Adamson.

Tinalo rin ng Adamson ang Philippine College of Criminology 62-50 upang pigilan ang rematch ng finals noong nakaraang taon,

Sa juniors play, nakopo ng La Salle-Greenhills ang finals seat matapos igupo ang Letran High School 88-82 na isang paghihiganti sa pagsibak ng Squires sa sister school ng Greenies na La Salle-Zobel sa naunang round.

Makakasagupa ng  Greenies ang reigning champion  na San Sebastian-Recoletos na nanalo sa Ateneo Blue Eaglets 76-65.

Ang women’s at juniors finals ay nakatakda sa   June 13 sa PhilSports Arena sa Pasig City .

Show comments