LIPA CITY — Nagbabadya ang three-way battle para sa supremidad sa men’s division matapos ang Day 4 ng National Open Softball Championships nang manatiling walang talo ang Lipa City, Air Force at Zamboanga City kahapon sa elimination round na nilaro sa tatlong venues dito.
Na-sweep ng Lipenos, ang kanilang doubleheader para sa ikalimang sunod na panalo para sa pangunguna sa Group A at sa two-group men’s play.
Ginamit ng mga bata ni Mayor Oscar Gozos ang kanilang hitting power sa pagdimolisa sa Marikina City, 7-4 sa Barangay Banay-Banay at sa Bulacan State Univesity, 4-1, sa Barangay Marauoy.
Sa Group B hostilities, itinala naman ng Airmen at ng Zamboanguenos ang tatlong sunod na panalo.
Minasaker ng Airmen ang Laguna-Paciano sa 8-l regulation five-inning contest, habang dinurog naman ng Zamboanguenos ang Lipa-TCIG sa 7-1 panalo.
Sa women’s division, nakahabol ang Rizal Province sa Group B leader na Adamson-Lipa sa taas ng standing sa kanilang regulated four-inning match,19-0 sa Prime Pick ng Baguio City.
Ang isa pang Adamson team na Adamson Manila, ay nangailangan ng limang frames para igupo ang Polytechnic University of the Philippines, 9-0, upang makisalo sa iderato sa Group A sa RTU Lady sluggers, sa kanilang paehong 2-0 panalo-talo.