San Sebastian, Adamson ikakasa ang titular showdown

Tangka ng San Sebastian College at Adamson na iselyo ang kanilang championship showdown sa Shakey’s V-League Season 5 sa magkahiwalay na laro ngayon sa The Arena sa San Juan sa pagpapatuloy ng semifinal round.

Sasagupain ng Adamson ang Lyceum sa alas-2:00 ng hapon habang ang Ateneo naman ang kakalabanin ng SSC-R sa alas-4:00 ng hapon.

Tinalo ng Lady Stags ang Pirates sa straight sets, 25-16, 25-19, 25-16, sa opening game ng single round semis noong Martes.

Tampok sa sagupaan ng Ateneo at San Sebastian ay ang pagtatapat ng dalawang Thai imports na sina Bualee Jaroensri ng Baste at Emorn Phanusit ng Ateneo.

Nangailangan naman ang Lady Falcons ng apat na sets upang pabagsakin ang Eagles, 25-16, 20-25, 25-22, 25-21 ngunit pinapaboran pa rin silang manalo laban sa Pirates.

Ang panalo ng Falcons at Stags ay magtatakda ng kanilang sagupaan sa  best-of-three finals at ito ay determinadong pigilan ng Ateneo at Lyceum upang manatiling buhay ang tsansa sa titulo ng torneong sponsored ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision.

Show comments