Semis asam ng Ateneo vs FEU

Ipopormalisa ng Ateneo ang kanilang puwesto sa semifinal round ng Shakey’s V-League Season 5 sa kanilang pakikipaglaban sa Far Eastern University ngayon habang tangka naman ng Lyceum ang playoff para sa semifinals berth kontra St. Benilde sa The Arena sa San Juan.

Winalis ng Lady Eagles ang kanilang unang tatlong laban sa single round robin quarterfinal phase at nakasiguro ng ikaapat at huling semis sa pamamagitan ng three-of-five incentive rule. Ngunit inaasahang susungkitin ng Loyola-based belles ang panalo laban sa reigning UAAP champion na FEU upang maging malinis ang kanilang pag-pasok sa ng knockout stage sa ligang hatid ng Shakey’s Pizza.

Ang gametime ay sa ganap na alas-4:00 ng ha-pon.

Naghati sa kanilang laban sa elims ang Ateneo at FEU sa torneong inor-ganisa ng  Sports Vision at suportado din ng Active White skin whitening products, Mail and More, ICT Call Center, 100Plus Energy Drink, Mikasa at Accel.

Samantala, tangka na-man ng Lyceum ang playoff para sa huling semifinal slot sa kanilang pakikipagtipan sa St. Benilde sa ganap na alas-2:00 ng hapon.

Show comments