SOS: Cycling sponsor wala ba?

May 12 atleta lamang ang ipapadala ng Philippines sa Beijing Olympics na gaganapin sa Agosto 8, 2008.

May nagtsismis na mas marami pa ata yung sports officials na pupunta sa Beijing kaysa sa mga atleta.

He he he, may bago ba?

* * *

Gayunpaman may mga hindi pa tapos na Olympic qualifying kaya may posibilidad na madagdagan pa ito.

Katunayan, ang ilan sa Olympic qualifying na hindi pa tapos ay rowing, swimming, fencing at judo.

At limang swimmers pa ang may pag-asang makapunta sa Beijing Olympics.

O well, sana nga makapasa silang lahat sa Olympic qualifiers at nang medyo lumaki rin ang tsansa nating masungkit ang kauna-unahang gold medal sa olimpiyada. Ipagdasal na lang natin.

Malay natin makuha ni Pinoy boxer Harry Tanamor o Pinay jin ni Toni Rivero o ni  Pinoy jin Tshomlee Go o maging nina archer Mark Javier at trap shooter ang mailap na gold? Eh di masaya ang Pilipinas.

Hindi sa minamaliit ko ang mga swimmers natin pero magsaya na lang tayo ay nag-qualify sila sa Olympics na isa na ring mahirap na task para sa kanila.

Yehey!

* * *

Maraming nanghihina-yang sa pagkawala ng summer spectacle na Tour ng Pilipinas.

Higit sa nanghihinayang at nalulungkot ay mismong mga siklista. Kasi naging bahagi na ng kanilang buhay ang pag-sali sa Tour at talaga namang taun-taon ay pinaghahan-daan nila ito.

Walang ibang malaking cycling event na sinasalihan ang mga siklista kaya hindi natin masisisi kung bakit bagsak din ang performance ng iba sa international com-petitions.

Ika nga wala na ngang local exposures eh mangilan-ngilan lang din ang international exposures.

Sayang naman!

Wala na bang nais sumaklolo sa cycling?

Show comments