Patuloy sa pananalasa si defending champion Ronnie Alcano nang kanyang igupo si reigning World 9-Ball titlist Darryl Peach, 10-5, noong Miyerkules ng gabi na nagpalakas ng kanyang tsansa sa back-to-back matapos makalusot sa quarter-finals ng World 8-Ball Championship na ginaganap sa Amir Billiards Center sa Fujairah City, United Arab Emirates.
Nangangahulugang tatlong panalo lamang ang layo ni Alcano, top bet ng star-studded Bugsy Promotions ni businessman Perry Mariano at miyembro ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP), para maging unang cue artist sa loob ng 17 taon na makakapag-depensa ng world title.
Nanatili din sa kontensiyon ang dalawa pang Filipinos cue artists na sina world no.1 Dennis Orcollo at Warren Kiamco, pare-ho ding BMPAP bets.
Nanalo di Orcollo, isa ring Bugsy boy na natalo kay Alca-no sa finals noong nakaraang taon, kay Chinese Fu Jianbo, 10-7, sa Last 32, bago pinasadsad si Taiwanese Wang Hunghsiang, 10-6, sa round-of-16.
Ang kaisa-isang qualifier mula sa Negros Billiards Stable ni Jonathan Sy ay wala pa ring talo matapos dispatsahin ang local bet na si Hanni Al Howri, 10-0, sa Last 32 at isinunod ang Polander na si Radoslaw Babica, 10-7, sa Last 16.
“Tatlong panalo na lang pero hindi ko tinitignan iyon. One game at a time pa rin. Ang masasabi ko lang masaya ako sa nara-ting ko at sa nilalaro ko,” wika ng 35-gulang na dating double world champion.
Bago ipinagkait kay Peach ang tsansang ma-ging ikatlong player na humawak ng world 9-ball at 8-ball titles ng sabay, tinalo ni Alcano ang kapwa Bugsy boy na si Roberto Gomez, 10-8 sa simula ng knockout stage.
Nakatakdang kalaba-nin ni Alcano ang Italian na si Bruno Muratore sa quar-terfinals na nakatakda kagabi habang magsasa-gupa rin sina Orcollo at Kiamco kagabi kaya sigu-radong may isang Pinoy na sa semifinals.