Adamson tossers nakasiguro sa semis

Pinanatili ng Adamson ang kanilang composure upang hatakin ang  30-32, 21-25, 25-16, 25-21, 16-14, panalo laban sa Ateneo kahapon upang masiguro ang unang semifinal berth sa Shakey’s V-League Season 5 sa The Arena sa San Juan.

Nagpakawala si Michelle Segodine ng pamatay na kill upang basagin ang 14-all sa deciding set at nakumpleto ng Lady Falcons ang come-from-behind victory sa misshit ni Patricia Taganas upang masikwat ng Adamson ang panalo sa dalawang oras na labanan sa kapapanabik na larong ito ng ligang sponsored ng Shakey’s Pizza.  

Ito ang ikapitong sunod na panalo ng  Adamson na hindi nakaasa sa injured starter na si Jacqueline So, na nagkaloob sa kanila ng unang semis berth sa tournament na inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Active White skin whitening products, Mail and More, ICT Call Center, Mikasa at Accel.

Show comments