Bernasconi, See nagpasiklab

Nagpasiklab ang mga batang wushu artist na kumatawan sa bansa sa malakihang internasyonal events sa pagbubukas ng 2008  National Wushu Championships nitong Martes sa Activity Center ng SM Mall of Asia sa Pasay  City.

Ang mga miyembro ng National Wushu Training Center na sina Francesca Bernasconi ng MTM Manila at Henson John See, mga beterano rin ng World at Asian Junior Championship ay komopo ng tigdalawang ginto upang maselyuhan ang pagiging susunod na pambato ng Pilipinas.

Nanalo ang 15-anyos na si Bernasconi, gold medalists sa World Juniors noong 2006 sa kanyang paboritong event na female senior changquan sa kanyang 9.10 puntos at senior short weapon.

Tinalo ni Bernasconi ang kalabang sina Kathlyn Sabalduro ng Baguio na naglista ng 8.81 at Jrishna Dasi Tibon ng Science Identity School na may 8.70 iskor.

Nangibabaw naman si See, ang reigning Asian junior champion at  umani  rin ng bronze sa World Junior pero may ginto at pilak sa idinaos na Asian Juniors noong nakaraang taon, sa senior short  weapon at changquan kontra kina Steven Luis Ngo ng Philippine Cultural High School.

Sina Ralf Arjane Sanino at Christian Fallarme ng Chinese Kick Boxing-Las Piñas ang second at third  place, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang nagsipanalo para sa MTM-Manila ay sina Isabela Montana (junior sanluquan), John Isaac Concepcion (senior nangquan) at Sophia Montana.

Ang delegasyon ng Baguio at NWRC-Taiji ang pumapangalawa sa tig-tatlong ginto.

Sina Eleazar Jacob, Jonathan Gayuchan at Jean Michael Salazar ang mga bumandera sa Baguio habang sina Eliza Tsang Lai Seung, Cecille Wong at Sacchi Tibby ang nanguna sa NWRC-Taiji.

Kasalukuyang pinaglalabanan pa ang 16 final events sa sanshou habang sinusulat ang balitang ito.

Show comments