Gustong umangat ng Hapee

Ikatlong sunod na pa-nalo ang hangad ng Hapee Toothpaste sa pakikipag-harap sa Burger King na nais nilang bawian sa alas-4:00 ng hapong sagupaan sa 2008 PBL Lipovitan Ami-no Sports Cup na magpa-patuloy sa Rizal Memorial Coliseum.

Mula sa 96-80 pananalasa sa Noosa Shoe Stars, hangad naman ng Complete Protectors na maduplika ang 85-83 panalo sa Whoppers, sa overtime sa kanilang unang pagkikita kung saan naging bayani si rookie Jervy Cruz.

Taglay ng Hapee ang 6-3 kartada sa likod ng na-ngungunang defending champion Harbour Centre habang ang Burger King ay may 5-5 kartada sa likod ng Pharex na may 5-4 card.  

Sa unang laro, magsa-sagupa naman ang Bac-chus Energy at San Mig Coffee sa pambungad na laro sa alas-2:00 ng hapon.

Bahagyang nakakaangat lamang ang Bacchus Raiders sa taglay na 4-6 record habang ang Coffee Kings ay may 3-5 kartada.

Show comments