Diretso sa 7 tangka ng Batang Pier

Matapos manalo ng re-cord fourth straight championship noong nakaraang ta-on, isang record ang nais mai-tala ng Harbour Centre.

Dahil wala pang talo sapul nang Invitational tournament noong December, hangad ng Batang Pier  na magtala ng bagong franchise record sa tangkang seventh straight la-ban sa mapanganib na Pha-rex Medics sa PBL Lipovitan Amino Sports Cup sa The Arena sa San Juan.

Ngayong ipinaramdam na ni sweet-shooting Jonathan Fernandez ang kanyang pre-sensiya, pinantayan ng  Ba-tang Pier ang kanilang franchise record na six straight win na naitala nila noong nakaraang conference via  88-69 win sa rival Hapee Toopthpaste nitong Martes.

Ang game time ay alas-2:00 ng hapon sa showdown ng Harbour at Pharex na su-sundan ng sagupaan ng Noosa Shoes at Toyota Otis sa alas-4:00 ng hapon.

Hangad ng Sparks na masundan ang kanilang breakthrough win laban sa San Mig Coffee, 92-86 para makabawi sa limang sunod na talo.

Ang Pharex ay may 502 record kasunod ang Hapee Toothpaste at ang Burger King na tabla sa 5-3 record.

Ang Noosa ay may 3-3 kartada habang ang Toyota ay may 1-5 kartada.

“We’ll just play our usual game and hope that one of them will provide the spark,” ani Gallent na naghahanda rin ng team para saSEABA Club Championship na naka-takda sa susunod na linggo. “They are in high spirit right now especially after our big win over Hapee.” (Mae Balbuena)

Show comments