Alcantara sa semis na

Umusad ang kaisa-isang Filipino bet na si Francis Casey Alcantara sa semifinals ng 19th Mitsubishi Lancer International Juniors Tennis Championships matapos ang 7-5, 6-0 upset laban kay  third seed Mark Verryth ng Australia kaha-pon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Hindi naging  hadlang sa 16-anyos na si Alcan-tara ang kaliitan nito sa taas na 5’7 kontra sa kalabang 6’6 na si Verryth upang makopo ang tagumpay.

“Ang pinaghandaan ko lamang ay ang malakas niyang serve at sinikap kong ibalik lamang ang kanyang bola,” ani Alcan-tara na tutulak naman sa Japan sa Ling-go para ma-kibaha-gi sa ITF Junior tournament sa Osaka.

Agad lumayo si Ver-ryth sa 3-1 kalamangan sa first set nang ma-break ang Pinoy sa fourth game. Bumawi si Alcantara at na-break ng dala-wang beses ang Australi-yano sa fourth at eleventh game para maku-ha ang first set.

Sunud-su-nod naman ang unforced errors ni Verryth sa second set na sinabayan ito ng mga magagan-dang returns ni Alcan-tara kasama  ang behind the legs shot na hindi naibalik ni Verryth na nagselyo ng tagumpay sa sagupaang umabot sa loob ng isang oras at 21 minuto.

Susunod na  kakala-banin ni  Alcantara si se-cond seed  Borut Puc ng Slovenia nanalo kay sixth seed Hiroki Moriya ng Japan sa 6-5, 7-5 iskor.

Ang isa pang puwesto para sa Finals ay paglala-banan nina top seed Andrew Thomas ng Australia at fourth seed Cho Soong-jae ng Korea.

Si Thomas ay nangibabaw kay Alexander Lobjov, 6-4, 6-3, habang si Cho ay nanalo kay 5th seed Kittiphong Wachiramanowong ng Thailand, 6-3, 7-6(4). (Atan)

Show comments