LOS ANGELES -- Hindi naman pala ganoon kaatat si Juan Manuel Marquez na kalabanin si Manny Pacquiao.
Sinabi ng nadethrone na champion mula sa Mexico na nagbalik mula sa Las Vegas na plano niyang magpahinga ng matagal bago umakyat uli ng ring sa September o October.
“I am going to rest first for a couple of months and in September or October I can return to fight,” ani Marquez na nagsuko ng kanyang WBC super-featherweight crown kay Pacquiao noong Sabado.
Sinabi ni Marquez na gusto niyang kalabanin si Pacquiao sa ikatlong pagkakataon at sinabi pa niyang kahit na sa anong weight division, maging sa130 lbs (super-featherweight) o sa 135 lbs (lightweight). Sa una nilang pagkikita noong 2004 ay sa 126 lbs (featherweight).
“I can fight him in whatever weight he wants to fight,” ani Marquez na nagsabi kamakalawa na sa kanyang palagay ay siya ang nanalo sa kanilang mahigpit na laban ni Pacquiao na umabot sa 12-rounds.
“In the first fight he knocked me down three times and it was a tie. Now he knocked me down only once and he beat me,” wika ni Marquez na uma-aasang mabibigyang siya ng huling pagkakataong kalabanin si Pacman at sa huling pagkakataon ay tapusin ang “Unfinished Business.”
Dahil sa plano ni Marquez na umakyat sa ring sa September pa, luminaw ang panalong pakikipaglaban ni Pacquiao kay WBC lightweight champion David Diaz sa June 28 sa Mandalay Bay din.
Kung mangyayari ito ay may tsansa na naman si Pacquiao sa isa pang world crown at mapahanay sa iilang boksingerong may apat na titulo. (AC)