Perpektong laban ang kailangan ni Marquez

LAS VEGAS --Iisa lang ang paraan para mapa-natili ni Juan Manuel Mar-quez ang kanyang titulo kontra kay Manny Pac-quiao--ito ay lumaban ng isang perpektong laban.

Ito ang ipinahayag ni Daniel Zaragoza, dating super-bantamweight champion mula sa Mexico City.

“He has to fight the perfect fight. It has to be perfect because one big shot from Pacquiao could change everything,” wika ni Zaragoza, miyembro ng Nacho Beris-tain’s stable of champions, pagkatapos ng final weigh-in.

Ayon kay Zaragoza, nila-lasap ni Pacquiao ang mala-kas na tsansa ng panalo dahil sa kanyang kakaibang bilis.

“He’s so tenacious with his speed -- the hand speed. I think he can win. But I didn’t say he’s going to win. I think he can win,” dagdag pa ni Zaragoza sa pag-iinterpret ni Golden Boy Promotions’ Ramiro Gonzalez.

Pero mas gusto niya si Marquez kung ang boxing skills ang pag-uusapan.

“I think his boxing skills can manage Manny Pac-quiao, and then he can win by decision. But I believe that if it’s a KO (knockout) then Pacquiao wins,” wika ng 50-year-old na dating kampeon.

Ito rin ang nararamdaman ni Shane Mosley, ang fighter na tumalo kay Oscar dela Hoya ng dalawang beses, para kay Pacquiao.

“I’m just gonna watch this fight,” wika ni Mosley. (AC)

Show comments