Hanggang nine rounds lamang ang itatagal ni Mexican super featherweight champion Juan Manuel Marquez kay Filipino boxing superstar Manny Pacquiao.
Ito ang matapang na prediksyon kahapon ni Filipino bantamweight titlist Gerry Peñalosa hinggil sa nakikita niyang bakbakan sa rematch ng 29-anyos na si Pacquiao at ng 34-anyos na si Marquez sa Marso 16 (Manila time).
“Suwerte na si Marquez kapag uma-bot pa siya ng 10 rounds kay Manny,” sabi ng 35-anyos na si Peñalosa. “Ibig sabihin, sobrang ensayado na siya at siguro gusto talaga niyang manalo but his best is not enough sabi nga.”
Sa kabila ng tatlong beses na pagbagsak sa first round, isang kontrobersyal na draw pa rin ang nailusot ni Marquez laban kay Pacquiao sa kanilang unang paghaharap sa featherweight championship noong Mayo 8 ng 2004.
Si Marquez ang kasalukuyang super featherweight ruler ng World Boxing Council (WBC) matapos itong agawin kay Marco Antonio Barrera noong Marso at matagumpay na idepensa kay American challenger Rocky Juarez noong Nobyembre.
Ayon kay Peñalosa, nangako sa kan-ya si Pacquiao na ‘manunungkit’ ng mga world titles simula ngayong taon. (Russell Cadayona)