Motorcycle safety riding handog ng Honda

Dahil sa patuloy na popularidad ng motorsiklo bilang sasakyan, nakakaalarma din ang dami ng aksidenteng nagaganap na sangkot dito. At dahil dito, nakita ng mga taga Honda Philippines ang kahalagahan ng road safety na kanilang inorganisa na tanging sila lang ang mayroon ang Motorcycle Safety Riding Academy.

Muling ilulunsad ng Honda ang road safety na ito sa pamamagitan ng modernong Safety Driving Center para sa mga 4 wheel at 2-wheel drivers.

At ito ay sa pakikipagtulungan din ng Land Transportation Office na sa paghahanda ng isang kasunduan para imoderno ang training sa motorcycle at licensing system.

Maganda di ba?

Naaalala ko noong naimbitahan ako ng Honda Philippines sa Tokyo, Japan  para sa Motorshow, doon ka nalaman na sa kanilang bansa hindi pala bibigyan ng lisensiya ang isang kumuha kung hindi ito nagdaan sa Safety Driving Academy.

Samantalang dito sa atin, pag 18 years old ka na puwede ka ng kumuha ng student permit and later non-pro. Minsan nga di pa marunong mag-drive may lisensiya na.

Isa pa, mas marami pa nga yatang nagmomotor na wala pang lisensiya.

Kaya maganda tong naisip ng Honda Philippines na ibalik ang kanilang Safety Driving Academy.

Noong Biyernes, nagkaroon ng Honda Safety Riding Academy sa Luneta Grandstand.

Mahigit isang libong Honda motorcycle riders mula sa iba’t ibang lugar ng Metro Manila ang lumibot para ikampanya ang safety riding.

Ito lang ang pasimula dahil wika nga ni Ms. Lulu SP Montiflor, PR Manager ng Honda, magiging nationwide ang kampanya na ito. Lilibutin nila ang buong Pilipinas.

Maganda di ba?

Ituturo sa Honda Safety Riding Center ang road safety kaya wait nyo ang paglulunsad ng center na ito na kung hindi ako nagkakamali ay ongoing ang construction sa may Sucat, Parañaque.

So wait kayo sa iba pang announcement.

Show comments