Nagsimula na ang tanggapan ng Ombudsman na busisiin ang umano’y naganap na P2.2-milyong overprice sa pagbili ng mga bisekleta at kagamitan ng mga cyclists na nakiisa sa nagdaang 2007 Southeast Asian (SEA) Games
Ayon kay Assistant Ombudsman Mark Jalan-doni, nagpadala na siya ng sulat sa pamunuan ng Philippine Sports Commission, Philippine Cycling Federation (PhilCycling), at sa Philippine Olympic Committee (POC) noong Pebrero 26 para sa kopya ng lahat ng dokumento kaugnay ng reklamo hing-gil dito ng RP National Team.
Sinabi ni Jalandoni, head ng Field Investigation Office, inaasahan nilang matatanggap ang natu-rang mga dokumento ngayong linggong ito kasama na ang status ng imbestigasyon ng PSC at ng POC.
Una nang nagsampa ng reklamo ang RP National Cycling Team sa Ombudsman laban sa head at miyembro ng RP Cycling Team Coaching Panel, mga opisyal at empleyado ng PSC, Board Members ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (Phil-Cycling) dahil sa umanoy pakikipagkutsabahan sa pagbili ng bicycle parts, supplies at equipment na may halagang P2,239,130.
Kasama sa inireklamo ng kasong graft at pag-labag sa government ethics code ay sina Manuel Ibay, Head ng Property and Supply ng PSC; Head Coach Jommel Lorenzo ng RP Cycling Team Coaching Panel; at coaching staff Renato Dolosa, Dindo Quirimit, Frederick Parr at Dante Valdez.
Ayon sa mga siklista, ang ilang gamit ng PSC at nai turn over kay Lorenzo tulad ng helmets, finger gloves at bike tires ay hindi naibigay sa miyembro ng team.
Ilan umanong naisyu sa kanila ay pawang mababa ang kalidad at hindi naibigay ang tala-gang gamit na para sa kanila. (A. DELA CRUZ)