Mahirap talaga sabihin kung sino ang magwawagi sa Game 7 ng PBA Philippine Cup Finals ngayong araw. May kanya-kanyang kalakasan at kahinaan ang Purefoods at Sta. Lucia, at iisang laro na lang ang pinag-uusapan.
Isa sa pinakamalaking dapat bantayan ay ang rebounding. Sa Game 6, kinain ng Purefoods ng buhay ang Sta. Lucia sa rebounds, laro na sa offensive rebounds.
“Marc Pingris was a monster,” sabi ni coach Kevin Barboza, na nagsanay sa Sta. Lucia sa Amerika noong nakaraang taon. “Sta. Lucia couldn’t keep him off the boards, and he got a lot of lay-ups.”
Para sa Sta. Lucia, importante na maging bahagi ng opensa si Kelly Williams at Marlou Aquino. Noong Game 6, marami ring naiambag sa rebound si Williams, pero di nakahawakng bola. Si Aquino naman, akyat-baba ang laro sa serye.
“What we did right in game 6 was defend Kelly well,” paliwanag ni Purefoods assistant coach Dayong Mendoza. “And of course, James and Kerby played their usual good games. When they play well, it makes things easier for us.”
Tuwing gumagawa si Reymundo at Yap, pahirap talaga sa depensa ng kalaban. Noong Game 6, masama ang first half ni Yap, pero pumukol siya ng 20 puntos sa fourth quarter.
“They did such a great job of finding James in the first three quarters,” pag-sang-ayon ni Barboza. “But in the fourth, they just totally lost him.”
Kinakailangan din ng Sta. Lucia tumakbo ng tu-makbo, dahil hindi sila masa-sabayan ng Purefoods. Kaya ng Realtors na magsabay-sabay ng maraming malalaki na tumaktakbo sa fastbreak. Maraming position na kayang laruin ng frontline ng SLR, at kung paiikut-ikutin nila ang mga ito, mapu-puwersa ang depensa ng Purefoods.
Marami pang puwedeng pag-isipan, pero siguradong makapigil-hininga ang laro mamaya. At makasaysayan din.