Sa ikapitong sunod na taon, tinanghal na kampeon ang St. Scholastica’s College sa WNCAA senior cheerleading makaraang maungusan ang besting Miriam College at Centro Escolar University sa 38th season contest na ginanap kamakailan sa Rizam Memorial Coliseum.
Ito ang ikatlong titulo ngayong season ng Scions, makaraang mapagwagian ang junior volleyball at swimming championships.
Samantala, inihayag ni National president Vivian Manila ang pagbuo ng bagong commercial league para sa kababaihan pero pinilit na prayoridad ng WNCAA ang kanilang players.
Sinabi rin ni Manila na kung conflict sa kanilang schedules, inaasahan niyang hindi magkaka-problema ang dalawang liga.